welcome to my world, bitch :)
feel free to read, tag, comment, whatever. :)
i know you love me :)
♥ ♥ ♥
welcome to my world, bitch :)
feel free to read, tag, comment, whatever. :)
i know you love me :)
♥ ♥ ♥
the world calls me. and i fear that i am far too involved with it.
4:43 AM
Mga matang pinatanda ng hirap ay dahas
Kutis na pinapurok ng tadhana
Sakit na matagal nang ninanais ilabas
Ilang taon na, ito pa rin ang pamana.
Talulot na pilit pinatuyo ng panahon
Luhang naubos sa paghintay
Hirap na sa kaluluwa'y bumaon
Pagibig na walang humpay.
Kaluluwa't pagkatao'y walang saplot
buhay- hubo't hubad, pinagmamasdan.
Tagumpay na patuloy na nauudlot
Walang pigtasan, walang baklasan.
Nakaankla ang pangarap
Walang pinatutunguhan
Kinabukasa'y pulos paghihirap
Along hindi nais ngunit kailangang sabayan.
Nakatitig sa karimlan
Utak biglang nablanko
Nakatanaw sa kalawakan
Puso ay nabigo.
Tila kerubim ang tapyas ng mukha
Isang biyaya mula sa alapaap
Walang mintis ang ganda kahit bahagya
Ngunit isa lamang pangarap.
Mahalimuyak ang belo ng kadiliman
Samyong nananatili hanggang sa paglubog ng araw
Ningning ng bintana ng kaluluwa.
Siya lang, wala ng iba.
Minsa'y napapaisip ito ba'y totoo
Init ng apoy hindi dapat gawing loko
Ito lamang ba'y simpleng laru-laro
O dalawang nilalang sa pag-ibig ay nabilanggo?