welcome to my world, bitch :)
feel free to read, tag, comment, whatever. :)
i know you love me :)
♥ ♥ ♥
welcome to my world, bitch :)
feel free to read, tag, comment, whatever. :)
i know you love me :)
♥ ♥ ♥
the world calls me. and i fear that i am far too involved with it.
3:39 AM
terry
7:38 AM Jul 23, 2005 IP 76:255
hi mariel, wag magagalit sa masa kung tumatanggap sila ng 300 sa bawat rally. hindi nila kasalanan yun kahit kailan.
terry
5:09 PM Jul 23, 2005 IP 76:250
wag ka nga mainis, bagkus ikaw yung dapat nasa unahan para mulatin sila mula sa ganoong kalakaran. kaya tayo iskolar ng bayan.
kaya ko ba? napaisip ako sa reaskyon ni kuya terry. kaya ko nga ba? gaano nga ba kalalim ang panguunawa ko sa kalagayan ng maralita? gaano nga ba ako katapang? hanggang kailan ko sila matutulungan at maipagtatanggol? hanggang kailan ko kayang panindigan ang mga pangako ko sa sarili at sa nangangailangan? kaya ko nga bang isakripisyo ang mga kinakailangan para maipagibayo ang paglaban para sa mga nangangailangan?
kaya ko ba? ito ba ang gusto ng Panginoon para sa akin? ito ba ang daang marapat kong tahakin? maisasakatuparan ko ba ang mga plano ko at ng mga magulang ko para sa akin?
marami akong mga plano para sa sarili ko na kung iisipin,malayo na matupad ko kung itutuloy ko ang mga ginagawa ko ngayon. nais kong mabigyan ng buhay na kasing ganda ng tinatamasa ko ngayon ang magiging pamilya ko. salungat sa kagustuhan ng pamilya ko ngayon ang mga pagkilos ko. natural lamang na reaksyon mula sa kanila sapagkat nag-iisa lamang akong babae kung kaya't lahat ng pag-iingat at pagkalinga sa mundo ay binibigay nila sa akin. alam ko na masasaktan ang pamilya ko sakaling ipagpatuloy ko ito. masakit marinig ang isang ina na pinipigilan ang anak na gawin ang siyang gusto nito dahil sa ayaw ng isang ina na masaktan ang kanyang anak.
hanggang kailan ko ito kayang gawin? pag-graduate ko ba sa pamantasan, makakayanan ko kayang isantabi ang mga pangarap ko upang matulungan ang maralita upang maisakatuparan ang kanila namang mga pangarap?
may iba mang paraan upang makatulong ako, may kasiguruhan kaya na mapapanatili ko ang kagustuhan kong makatulong kung napapaligiran na ako ng yaman? may kasiguruhan ba na makatutulong nga talaga ang simpleng pagbigay ng pera? natatakot ako na hindi. natatakot ako na baka makatulong lang ako sa pinansyal na aspeto, ngunit sabay naman ng paglaho ko ang pagkabuti nila. sabi nga nila, mabuti na turuan ang taong mangisda kaysa bigyan lamang ng pagkain.
natatakot ako na baka sakaling tanggapin ko man ang hamon, hindi sapat ang mga gagawin ko upang mapabuti ang estado ng mga nangangailangan. natatakot ako na baka isipin ng karamihan elitista ang pagiisip ko at kailan man ay hindi makakaintindi sa kalagayan ng nangangailangan.
napapaisip na lang ako, dapat nga ba na nasa UP ako? karapat-dapat ba ako sa titulong "iskolar ng bayan"? nabibigyan ko ba ng katarungan ang titulong iyon? naibabalik ko nga ba sa bayan ang siyang binigay nito sa akin- ang pagkakataon na magtagumpay?
pagsulat nga lang nito hirap na hirap na ako magtagalog. naway lumakas pa ang loob ko at lumawak pa ang kaalaman ko upang malaman ang nararapat